Home

Unang linggo ko sa UPLB. Walang kilala dahil ako lang ang natanggap sa UPLB doon sa high school namin. Walang kasama dahil unang dorm na tinirhan ko ay pagkalayo-layo… sa Anos pa, under the supervision of my ever, oldfashioned tito na bakla. Walang katawanan, walang mautangan ni wala man lang makausap. Culture shock? Sus.

Biyernes noon. Kakatapos lang ng ENG1. Bungi-bungi ang sched ko. Asa namang umuwi ako every other 1 1/2 hour, kaya tumambay muna ako sa 711 sa SU. Nakapila na ko, dala-dala ang spicy hotdog na gusto ko nang kagatin.

“Hi. Anong batch mo? Ako nga pala si Mike.” Aba, may itsura. Singkit, tama lang ang body. Pogi. Pero sa dami ng nakapila dito, why the hell are you talking to me?

“Batch ten po. Petra.” (Awkward smile)So kahit ipinakita ko nang I really don’t care, kinausap pa rin ako ni kuya.Nabayaran ko na ang hotdog, nakagat na ito, nalunok ko na’t lahat, kinausap mo pa rin ako. At simula noon, meron na kong kilala, meron na kong kasama, meron na kong katawanan, may mauutangan at meron na rin sa wakas makakausap.

Shet. Ang sarap ng feeling na to. Ang magkagusto ba naman sayo, funny, attentive, pogi at naggigitara. At higit sa lahat, someone who shows you how much he cares. Woo. Sa bawat free time na meron tayo, nagj-jam tayo, kwentuhan, turuan ng kanta. Ilang linggo pa lang pero, shet. Ano tong feeling na parang ang tagal na nating magkakilala? Ano tong feeling na gustong gusto mo nang tumili ng mga… I dont know… one whole hour, at mamalo ng lahat ng katabi mo sa large class para lang mailabas ang nararamdaman?

At aba. May paarrange-arrange pa ng bato sa gilid ng CAS A2 to form words. Pero di naman yun eh… Yung mga words. I LOVE U.

What the fuuuck. Ako na ang laglag panty!…

Ball sa ROTC, malamang ikaw na ang imbitahin kong maging date. At syempre go ka. Ngiting wagas aba! At dahil may pagka-usisera sila mama at lola, ipakita ko naman daw ang date ko sa ball. Ako naman ‘tong excited na excited at di mapakali ang mga daliri sa pagttype ng pangalan sa search tab ng facebook. Eh kasi, may sosc1 ka, at deviance na para sayo ang nakasuot ng duster. Eh di tawa sila lola at mama. Aba may itsura. Kaso parang… ano yun?… In a relationship with ira pelayo.

Salamat sa hindi techie na matatanda, hindi nila nakita. At di ako napahiya. Ugh. Bastard. So much for my first friend, so much for love. Tangina. Tangina mo. Tangina mo ka.

Salamat ah. At salamat rin kapatid ko, dahil siya ang pumalit sayo nung inindyan mo ko sa ball ng ROTC.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s