Home

Hindi ko naman sinasabing pangit ka; tila naging palayan lang naman ng tigyawayt ang magkabilang parte ng maputi at mamawis-mawis mong mukha na nangingintab-ngitntab pa ng alas diez ng umaga habang naghihintay ka sa labas ng CAS A2 MPH2 para sa HUM2 class na isang cause of delay ng iyong graduation.

Hindi ko naman sinasabing mabaho ka; tila umaalingasaw lang naman ang t-shirt mong nag-aamoy di-natuyuang basahan lalo na sa tuwing nagmamadali kang dumadaan sa wing C hanggang sa wing A ng BioSci ng alas once y media papuntang CPCLH para sa isang major na sa wakas, ipinagkaloob sa iyo ng systemone.

Hindi ko rin naman sinasabing ubod ka ng pagiging patpatin, pero malamang sa malamang ikaw na ang gamiting pang-arnis ng PE2 class sa Copeland Gym tuwing ala una ng hapon para lang ipasa ka sa pangatlong PE mo kahit anim na taon ka na dito sa kolehiyo.

Hindi ko rin naman sinasabing napakagaspang ng balat mo, na sa tuwing nagkakadikit tayo ng braso pag nagkakabanggaan habang nagmamadaling maglakad sa campus, pag bumibili ng merienda sa Coop at habang nakapila sa Window 10 ng OUR para magtanong tungkol sa assessment of fees at makapagpa-register officially, nai-irritate and smooth sensitive skin ko.

At lalong hindi ko rin naman sinasabing talented ka, na sa pang limampung beses na sinabi ng brod mo sa VCF kada alas kwatro ng hapon sa 4 Boys Dorm, lagi mong nakakaligtaang D minor nga pala dapat at hindi E ang kasunod na chord ng A – C#m  at D para sa presentation niyo sa simbahan, pwera pa sa mga pahinto-hinto mo kada strum ng gitara na may pasabit-sabit effect pa.

Pero tila di ko maipaliwanag kung bakit nga ba malawak ang kaalaman ko tungkol sa lahat ng ito at pati oras alam na alam ko, na kung tutuusin, ni wala nga akong kahit 30-minute break tuwing Martes at Huwebes from 10AM to 5:30 PM at habang sinusubukan kong sagutin ang tanong na ito sa sarili, katapat ang MAC computer monitor sa CPCLH para maghanda sa pagiging SA sa FIL20 ng 5:30PM, nakikita ko ang garden face and arnis body mo, naaamoy ang rugged smell mo fresh from ten in the morning, nararamdaman ang pagkaskas ng sand paper skin mo at naririnig ang sabi-sabit mong paggi-guitar, 60 feet away.

Lalong di ko rin mapagtanto kung bakit sa pagtapos ng klase ay nakikita pa rin ng mga mata ko, naaamoy pa rin ng ilong ko, nararamdaman pa rin ng balat ng braso ko at naririnig pa rin ng mga tainga ko ang lahat ng ito kahit ilang oras na ang nakalipas. At sa pagbaba mo from your own seat down the front of the class, hindi ko mapigilang tumitig sa iyo, habang kung ano anong sensations ang nararamdaman ng katawan ko.

Padagdag pa dito ang kakaibang bigat na nararamdaman ng dibdib ko sa bawat paghakbang mo. At sa paglapit mo sa guro ng Fil20, tutungo ka ng kaunti, ngingiting inosente na may mga matang tila mga mata ng isang napaka-cute na kunehong nagmamakaawa para tanggapin ka sa pagpre-prerog mo.

 

At nang napatingin ka sa akin, tumigil ang lahat. Tumigil ang kaingayan sa paligid, ang gulo ng mga harurot ng mga classmates mo, lahat. Pati ang paghinga ko at ang paghinga mo.

Malamang ay tumagal ng mga 0.5 milliseconds ang pagtitinginan natin. Pero parang isang oras na ang nakalipas. At nang bitawan ng mga mata mo ang titigan natin para tumingin sa guro para magpapirma, ako’y napabugtong hininga. Sa pagbaba mo pa lamang ata ng hagdan ay napapigil na ko sa paghinga, pero di ko na naisip yun, dahil ng nakapirma na ang guro, tumingin ka muli sa akin, at sa gulat ng buong pagkatao ko, sinabi mo, “Bye ate!” Sabay ngiti at naglakad palabas ng silid.

Pagtanggal ko ng titig sa pinto ay napatitig ako sa monitor ng MAC computer at imbis na tili na gustong gustong tumakas sa mga labi ko, ang lumabas ay isang ngiting tila umakyat na sa mga tainga ko at isang pabulong na “Yay.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s