Home

Sa paglipas ng panahon ay tila naging kagawian na ang pag-alala sa nakaraan. Sa bawat makita, bawat pangyayari, may kaakibat na ibang bagay sa nakalipas. Minsa’y ngingiti sa tuwa, minsa’y titingin sa kawalan, tila maraming pinagsisisihan, maraming gustong ibahin, itama, o kung ano pang ibang pandiwang kaibig-sabihin ng ipalit.

Sa aking panonood ng Reply1997 na isang koryanong drama, natuwa ako, hindi lang dahil sa gusto kong nararamdaman ng paulit-ulit ang magaang pakiramdam na dulot nito, ngunit napagtanto kong di talaga ako nag-iisa. Nag-iisa pagdating sa pagiging ‘fixated…” ngunit alam ko namang hindi ko maikukumpara ang buhay ko sa dramang ito dahil napakaraming iba’t ibang salik na kailangang isaalang-alang.

Hindi ko alam kung katotohanan ba ang binubunyag ng mga koryanong drama na tulad nito tungkol sa kultura ng mga koryano. Kung may napuna man ako, ito ay ang pagiging simple-minded nila.

Hindi ko nais na magbigay ng pagsusuri sa dramang ito. Marahil, gusto ko lamang ibunyag na tila gustong gusto kong bumalik sa aking pagkabata… at mukhang malaki ang naitutulong ng panonood ko ng mga ganitong drama rito.

Siguro, kung doon ako nanirahan sa mga dramang iyon, ibang iba ang buhay ko.

Ngunit mga pantasya lang naman ang mga ito. Kapag lumilingon ako sa nakaraan, dumadaloy lamang muli ang mga emosyong napagdaanan ko rati noong mas bata pa ako at napakasarap balik-balikan. Pero wala na ako roon. Nandito na ako ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s